Linggo, Oktubre 18, 2015

Napapanahong Isyu
(Death Penalty)

Ang death penalty ang isa sa mga napapanahong isyu. Bakit nga ba isa ang death penalty sa napapanahong isyu ngayon? Dahil na nga ba ito sa mga laganap na krimen na nangyayari ngayon? Sa karamihan ng krimen ay hindi na ito macontrol. Dapat o hindi dapat na bang ibalik ito sa Pilipinas? Ang death penalty ay may maganda at masamang epekto sa bawat isa sa ating mamamayang pilipino. Ang magandang epekto ng death penalty sa bawat mamamayang pilipino ay magiging ligtas ang mga inosenteng tao sa mga kriminal, malalayo sa panganib o peligro na dulot ng mga kriminal. Maaaring bitayin o ikulong ang mapatunayang may sala. Mananagot ang taong may sala at magbabayad sa kasalanang ginawa nila. Sa panahon ni Marcos ay mataas ang ratings ng pilipinas at kakaunti lang ang krimen na nangyayari dahil sa termino niya ay may death penalty pa noon. Ngunit hindi naman sa lahat ng bagay ay death penalty lang ang solusyon dahil may mga iba pang paraan para magbago ang isang taong gumawa ng krimen. Ang masamang epekto ng death penalty ay paano na lang kung walang sapat na ebidensiya ang korte at basta-basta na lang naghahatol ng kamatayan, malaman man nila ang tunay na nangyari paano kung huli na ang lahat at nabitay na ang walang sala. Sa mata rin ng Panginoong Diyos wala ni sinuman ang may karapatan na pumatay ng sinuman, may kasalanan man ito sa inyo patawarin niyo rin sila give them another chance dahil sino ba naman tayo tao lang din naman tayo nagkakasala pareho nila. Ang death penalty ba na magkakaroon ng bitay sa mga taong mapatunayang nagkasala at mabawasa ang krimen na nangyayari o ang ikulong lang ang may mga sala at maaaring madagdagan o laganap pa rin ang krimen ngunit may pagkakataon pa namang magbago ang isang tao kung gugustuhin niya dahil yung ibang taong may sala ay unintentional lamang ang nangyari at may panahon pang magbago. Pagiging hindi patas na rin ng batas sa mga kapwa pilipino natin dahil kung ang ibang kapwa natin ay nabibitay ng walang sala sa ibang bansa o nahahatulan ngunit bakit sa ating bansa ay pagkulong o pagpiyansa lamang ang hatol sa mga dayuhan.

Sa "jusTIIS" na sistema natin dito sa Pilipinas, kung walang pera ang isang tao, kahit sabihin mo pang inosente siya, malabong maipanalo niya ang isang kaso. Wala namang nakulong sa mga nagnakaw ng milyon o bilyon sa bulsa ng pamayanan samantalang yung mga nanghahablot ng bag sa mga mall at mga mandurukot ng cellphone ay nadun na sa kulungan. Ang parusang ito ay masasabi ko na "anti-poor" sa kadahilanang kayang-kayang bilhin ang hustisya dito sa ating bansa. At dahil mas mabigat ang parusa, ang mga may pera ay mas lalong maaakit bilhin ang hustisya para makatakas sa kamatayan. Pwede rin itong magamit ng mga mayayamang may galit sa isang taong ordinaryo o mahirap. Ipapalabas lang ng taong ito na ang may mabigat na kasalanang ginawa ang kanyang kahidwaan, gagamit ng pera, at maparurusahan ang kanyang kaaway ng kamatayan ng hindi nababahiran ng dugo ang kanyang mga kamay. Kung ang magkalaban sa kaso ay mahirap at mayaman, walang duda na ang mapapatawan ng parusa ng kamatayan ay ang mahirap. Sa mga pamumuno ng mga nakaraang pangulo na nagpatupad ng death penalty, wala pang kahit isang sikat na personalidad ang napatawan ng parusang ito. Lahat ng nailagay sa death row ay may iisang kalagayan sa buhay. Sadlak sila sa kahirapan, may gutom na mga pamilyang umaasa sa kanila, at hirap at pagod na sa buhay nilang hindi umuunlad. 

Death Penalty dapat di ipatupad!